Stella Maris
By: Jamie Rivera
Lyrics
Kung itong aming paglalayag
Inabot ng pagkabagabag
Nawa'y mabanaagan Ka
Hinirang na tala ng umaga
Kahit alon man ang pangamba
'Di alintana sapagkat naro'n Ka
Ni unos ng pighati at kadiliman ng gabi
Maria sa puso ninuman
Ika'y tala ng kalangitan
Ningning Mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw
Tanglawan kami aming Ina
Sa kalangitan naming pita
Nawa'y maging hantungan
Pinakamimithing kaharian
Maria sa puso ninuman
Ika'y tala ng kalangitan
Ningning Mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw
Maria sa puso ninuman
Ika'y tala ng kalangitan
Ningning Mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw
If KristianoNi.com has been a blessing to you and you feel led to support our mission of fostering unity among Christians, we invite you to contribute. Your generosity allows us to continue sharing the love of Christ, His teachings, and the Word of God. Every gift helps sustain this community, and we are deeply grateful for your support.
Thank you for walking this journey of faith with us!