Huwag Mo Sanang Isipin

By: Francis Ryan Coronel


Lyrics


Huwag mo sanang isipin
Hindi kita natatanaw
Huwag mo sanang isipin
Iniwanan na kita

Lagi kang nakikita
Sa paglipas ng araw
At aking nalalaman
Ang iyong pagdurusa

Huwag mo sanang isipin
Hindi kita naririnig
Ang iyong dalamhati
Ang iyong mga daing

Di mo ba nalalaman
Na kita'y iniibig
Bawat patak ng iyong luha
Ay aking nababatid

Huwag mo sanang isipin
Nalimutan na kita
Dahil ang iyong pangalan
Sa palad Ko'y sinulat na

At kung Ako'y kailangan
Kung Ako'y hinahanap
Tumawag ka't manalangin
At ako'y mangungusap

Huwag sanang isipin
Hindi kita pinapansin
Huwag mong kalilimutan
Ang inalay Ko sa'yo

Kahit ang Aking buhay
Ay Aking inihain
Tulad ng ginawa Ko
Sa krus para sa'yo

At kung Ako'y kailangan
Kung Ako'y hinahanap
Tumawag ka't manalangin
At ako'y mangungusap

Huwag sanang isipin
Hindi kita pinapansin
Huwag mong kalilimutan
Ang inalay Ko sa'yo

Kahit ang Aking buhay
Ay Aking inihain
Katulad ng ginawa Ko
Sa krus para sa'yo

Huwag mo sanang isipin
Hindi kita minamahal
Ang katotohanan
Kita'y minamahal



If KristianoNi.com has been a blessing to you and you feel led to support our mission of fostering unity among Christians, we invite you to contribute. Your generosity allows us to continue sharing the love of Christ, His teachings, and the Word of God. Every gift helps sustain this community, and we are deeply grateful for your support.

Thank you for walking this journey of faith with us!