Awit Ng Misyon

By: Jamie Rivera


Lyrics


Limang daang taong biyaya
Salamat Panginoon sa 'Yong punla
Misyong kaloob sa aming puso
Aming sarili ay aming handog
Laging tapat at laging tugon
Naririto handa kami, Panginoon

Kami'y hahayo sa iba't ibang dako
Hatid ang Iyong Salita at paglilingkod
Inang Maria ang S'yang gabay nami't lugod
Lalaganap alab ng 'yong misyon

Limang daang taong biyaya
Salamat Panginoon sa 'Yong punla
Misyong kaloob sa aming puso
Aming sarili ay aming handog
Laging tapat at laging tugon
Naririto handa kami, Panginoon

Ang mga kaloob na aming alay sa mundo
Katarungan, Kabanalan, Kapayapaan
Sa senyal na ito maniniwala ang mundo
Pagmamahal namin sa bawat tao

Limang daang taong biyaya
Salamat, Salamat, Salamat, Panginoon

Limang daang taong biyaya
Salamat Panginoon sa 'Yong punla
Misyong kaloob sa aming puso
Aming sarili ay aming handog
Laging tapat at laging tugon
Naririto handa kami, Panginoon
Naririto handa kami
Naririto handa kami, Panginoon
Panginoon



If KristianoNi.com has been a blessing to you and you feel led to support our mission of fostering unity among Christians, we invite you to contribute. Your generosity allows us to continue sharing the love of Christ, His teachings, and the Word of God. Every gift helps sustain this community, and we are deeply grateful for your support.

Thank you for walking this journey of faith with us!